So I just got home from school. Kapagod pero masaya naman, tumambay akong national bookstore kanina, dalawang oras yata akong paikot ikot dun. Anyway, ano ba ang topic ng post ko ngayon. Well, tungkol sa isang linyang madalas kong naririnig. "Try and try until you succeed." Kanina kasi habang may naoverhear ako na naguusap na magkaibigan, may mali yatang nagawa yung isa, sabi nung friend niya, "okay lang yan, try and try until you succeed." Ngayon yung utak ko medyo nagdwell dun sa line na yun, and boom!.."may mali" sabi ko sa sarili ko. "May mali dun sa linyang yun e."
Try and try until you succeed. Ang ganda pakinggan, EPIC yung dating. Ang pagkakaintindi natin dito ay ang hindi pagsuko sa mga problema, at wag tumigil hanggang hindi nagtatagumpay. Pero pasyensya na kayo a, kasi medyo titignan natin ang negative side. Ano ba talaga ang problema sa linyang to? Ang problema, EPIC siya e. Explain ko ha.
Analyze the line. Masyado nating "iniispoiled" yung failure. Parang sobrang okay lang na magfail tayo. 'Try and try'. Parang dalawang failure muna, tapos 'until', ibig sabihin may kasunod pang try, try, try, try, hindi natin alam kung gano kahaba pa yan. Indefinite kasi yung word na 'until' e, so para siyang bottomless na iced tea. At sa huli na yung 'succeed', oh diba napakaEPIC ng pagdadaanan mo bago ka magsucceed.
Masyado nating kinukunsente ang failure. Hindi ko naman sinasabi na masama magkamali, ang point ko lang naman e ang mentality kasi ng karamihan e parang "okay lang na bumagsak ako ngayon, may next try pa naman, pag bumagsak ako, edi try ulit, try lang ng try hanggang pumasa na ako."
Syempre itatanung niyo sakin "eh anu ba dapat ha?", at mayabang kong sasagutin na "Dapat TRY AND SUCCEED". Iassociate natin ang word na TRY sa word na SUCCEED. Dapat gawin nating synonym ng TRY ang SUCCEED. Gets? Tanggalin na natin yung napakahabang proseso. Taasan natin ang standards natin.
Ayun, kinwento ko lang sa inyo yung mga naisip ko kanina. Okay, gagawa muna ako ng mga gagawin ko.
Friday, July 10, 2009
Try and Succeed
Subscribe to:
Post Comments (Atom)


6 comments:
galing naman... may natutunan ako sau ah! pagpa2loy mo lang..galing eh..:)
mahilig din ako mag-overhear ng conversations ng iba at magobserve. self-proclaimed sociologist din ako, parang si tito obet, hahahaha...
@mavee - hehehe thank you mavee..check mo to lagi, madalas akong nagpo2st ng bago.
@gretch - hehehe..ako din self-proclaimed sociologist!..
wow ang gling ...tama ka hindi kelangan na laging mgfail....galing moh
hahaha! tama 'to. :) apir! na-realize ko rin 'to nun may nabasa ako libro nun July eh. :D
sabi nga there's no such thing as trying. it's a do or not do.
Apir!
Post a Comment