THOUSANDS OF FREE BLOGGER TEMPLATES

Friday, July 3, 2009

Being Grateful

So yun, kakauwi ko lang. Medyo napainum pa ako ng konti kasi dumating yung kapatid ng barkada galing ibang bansa. Habang nagkakasiyahan kami, bigla akong napangiti, inisip ko na ang swerte ko sa mga kaibigan ko. Naks. Cheesy.

So tungkol dun ang blog post ko ngayon. Its all about being grateful. Napansin ko lang kasi sa mga pinoy, lalo na sa mga teenagers. Nahulaan mo ba? OO tama ka, masyado tayong mareklamo. Lagi nalang tayong kawawa, lagi silang may atraso sa atin, palagi silang masama kung makatingin. Minsan pa nga feeling mo wala ka nang kakampi. Yun yun e, minsan kasi "feeling mo" lang yun.

Naiinis ka kasi wala kang damit na katulad ng sa iba, naiinis ka kasi hindi maganda yung syota mo, nababadtrip ka kasi ang ingay ng nanay mo, kasi ang pangit ng school mo, kasi walang hotsauce, kasi ang tagal dumating ng load, kasi ang bagal ng internet, kasi panalo si pacquiao, kasi kumakanta si regine, kasi gusto mo lang, kasi buhay ka.

Dati ganyan din ako, sobra talaga. Ang yabang ko kasi nun, para akong perpektong tao kung umasta nun. Nagloko ako sa Mapua, sinayang ko yung pera, ako pa galit. Hindi ko kasi tinignan yung mga magagandang bagay. Mas pinahalagahan ko yung sarili ko. At ngayon ngayon ko lang naisip na pwede pala pahalagahan ang sarili habang pinahahalagahan ang iba. Or para mas cool, pahalagahan ang sarili sa pamamagitan ng pagmamahal sa iba. O ha.

Naalala ko last year yata yun, namomroblema ako nun sa mga bagay bagay, tas yung barkada ko tinawagan ko. Edi nagkita kami, magshashare na sana ako e inunahan ako. Grabe umiiyak na siya sa laki ng problema niya. Tas tinanung niya ko, "Ikaw ano ba problema mo?". Para akong binatukan ng langit nun.

Tol, tignan mo nga yung mga pulubi sa daan, yung mga baliw na pinagtritripan, yung mga batang naninigarilyo at nagrurugby habang yung mga magulang e nagsusugal, yung mga taong tapat na nagtratrabaho pero kinokotongan pa. Saka mo itanong sa sarili mo, "Ano ba ang problema mo?".

2 comments:

Anonymous said...

"Naiinis ka kasi wala kang damit na katulad ng sa iba, naiinis ka kasi hindi maganda yung syota mo, nababadtrip ka kasi ang ingay ng nanay mo, kasi ang pangit ng school mo, kasi walang hotsauce, kasi ang tagal dumating ng load, kasi ang bagal ng internet, kasi panalo si pacquiao, kasi kumakanta si regine, kasi gusto mo lang, kasi buhay ka."


..hindi natural un pagrereklamo na ganito. kaw lang yan eh. :)

destinyfails said...

hahahaha..meron din naman iba aaah.