THOUSANDS OF FREE BLOGGER TEMPLATES

Wednesday, July 29, 2009

Are you in the right container?

Yes. I am stressed. Really. Nahihirapan na ako sa school. Actually di ko alam kung improvement yun e. Kasi dati hindi ako nahihirapan pero wala akong effort. Ngayon may effort pero mahirap na. At habang ako ay nakatulala at lumilipad ang isip kanina sa klase. Naisip ko, dapat ba talagang nandito ako. I mean dito sa course na to. Hindi ba dapat medyo nasa writing ako o kaya music. Kasi dun ako magaling eh (naks yabang). Tapos, biglang may cool na kwento akong naisip. Eto na.

Are You In The Right Container?
One day, orange juice powder A asked orange juice powder B. "Oy pare, bakit ang bilis mo maubos, mas masarap naman ako sayo kung tutuusin, bakit pag kinukuha nila ako e madalas binabalik nila ako. Tapos minsan nagmumura pa. Minsan nga e tinimpla ako nung matanda tapos binigay lang ako sa iba. May sekreto ka yata tol e." Ngumiti lang si orange powder B (ano kaya itsura niya noh). At si orange juice A naman ay parang naiiyak na (ano din kaya itsura nito). Nagpatuloy si Orange juice A. "Kasi tol naiinggit na ako sayo, lagi nalang akong naiiwan. Minsan nga e hinaluan pa ako ng coffeemate eh!Nakakapikon kaya!". Nakangiti pa rin si Orange juice B (nabaliw na ata). Nang narinig ni Orange juice A ang sagot ni Orange juice B, siya ay lubusang nalungkot.


"Kasi tol, nasa lalagyanan ka ng Nescafe." (nakangiti pa rin yan).

Haaaay..tutulog muna ako ha. Salamat sa pagbabasa!

Monday, July 27, 2009

Flying against the wind.

Ayun. SONA ngayon. Habang hinihintay kong magsalita si Gloria. Magpopost muna ako. Bago ang lahat babatiin ko muna ng HAPPY BIRTHDAY ang isang malapit na kaibigan na itatago na lang natin sa pangalang "Kalbs".(Sorry naman wala akong ibang maisip e.). Kaya pag may binanggit akong kalbs dito, siya yun okay? Okay!

Yes Monday ngayon, pero super lakas ng ulan. Sayang, ngayon pa naman magbubukas ulit ang starbucks dito samen. Nirenovate pa kasi. Okay for today's post, may ipapakilala ako sa inyo. Siya ay magiging guest natin for today. Let us all welcome Kaloy! (pilit na palakpakan ng audience)

Kaloy: Uuhh..Helo. Kamusta.
DF22: Magandang Araw Kaloy! Mga kaibigan si Kaloy po ay makakasama niyo sa isang darating na istorya dito sa blog na ito. Kaloy, iexplain mo.

Kaloy: Aa opo, pakiabangan po ang bagong bagong istorya na isinulat ni DF22. Ang pamagat po nito ay "Isang Shot Pa". Tungkol po ito sa isang barkada na umiikot ang buhay sa alak at bisyo. Sana po subaybayan ninyo.
DF22: Uhuh. Interesting. Sana ay maging successful yan. Anyway, ang topic natin today ay "Flying Against the Wind." Kaloy, what is the meaning of flying against the wind?

Kaloy: Ayan sir, ibig sabihin niyan sir, diba ang saranggola lumilipad laban sa hangin? Ganun din dapat tayo. Kumbaga, dapat hindi tayo binabagsak ng mga taong sinisira tayo. Dapat lalo nila tayong pinapalakas.
DF22: Tama yan Kaloy, kasi kung walang umaapi sayo, wala kang gagantihan.
Kaloy: Hindi naman sa ganun sir. Ang ibig kong sabihin sir e, hindi tayo dapat nagpapadala sa sinasabi nila. Hindi porket mga experto sila or mga feeling experto e pwede ka nilang diktahan. Kasi kahit anu man ang sabihin nila, ikaw ang nakakaalam kung ano talaga ang dapat mong gawin. Maninindigan tayo sa sarili natin. Dahil kung ang Diyos nga e hindi pinapakealaman ang ating "freewill", sila pa kaya?

DF22: uhh.. di ko gets Kaloy. Magbigay ka nga ng halimbawa.
Kaloy: Okay sir, magbibigay ako ng halimbawa galing dun sa istorya na pinagbibidahan ko. Halimbawa, - - - - - - - - - - - - - (kissshhtt) - - - - - - - -(walang signal TV) - - - - - - - (ekssst) - - - - - - - - - tapos sir, diba - - - - - -(ekksksiitst) - - - - - - -(wala na talaga). At yun po ang halimbawa nun.

DF22: Okay maraming salamat Kaloy! Hanggang sa susunod, aabangan ko yang istorya mo Kaloy. Mga kaibigan palakpakan natin si Kaloy. (Pilit na palakpakan)

Okay! SONA na ata. Nunuod muna ako!

Sunday, July 26, 2009

Gising Pilipinas


Ilang taon na bang nauuhaw sa pagbabago ang mga tao. Ilang buhay na ba ang inalay para sa bansang ito na hindi naiaahon sa kahirapan. Ilang boses na ba ang hindi dinidinig ng gobyerno. Ilang bayani pa ba ang kailangan natin? Ilang taon pa ba ang dapat hintayin? Ilang termino pa ba ang kailangan ng pangulo? Tama na. Huwag na nating dagdagan ang pagpapahirap sa atin. Ipaglaban natin ang bansa. Hindi bukas, kundi ngayon na.

Charter change. Maganda sana ang ideya kung mapagkakatiwalaan lang ang gobyerno. Kung ginawa sana nila ang tungkulin nila. Kung minahal sana nila noon pa ang bansang ito. Bakit natin sila susuportahan kung ang tagal na nilang nasa posisyon e ganito pa rin tayo? Ang tagal na, hindi pa ako pinapanganak e ipinapangako na yang pagbabago sa bansang Pilipinas. Nasaan na? Eto at nasa tamang edad na ako para bumoto pero ganun pa rin. Ganito ba talaga tayo kahina? Ganito ba talaga tayo, kapatid? Hindi ba natin kayang ipaglaban ang sarili nating bayan? Kaya natin. Umangal na tayo.

Tayo daw mga kabataan ang pag-asa ng bayan. Oo tama yun, pero palagi nalang ba sa kabataan nakasalalay ang pag-asa ng bayan? Ang mga tao sa gobyerno, hindi ba dati rin silang "hope of the nation"? Nasan na ang pag-asang yun?

Gising Pilipinas. Umalma na tayo. Sobra na.

Saturday, July 25, 2009

Shadows

Hi people! kamusta naman kayo? Ako eto medyo kakauwi lang galing school. Kanina ko pa gustong gusto magpost dito sa blog. Pero okay lang naman, masaya naman yung araw, kasama ko yung kaibigan kong itatago nalang natin sa pangalang "Kiba." Kaya pag may binanggit akong Kiba, siya yun okay!? Okay, enough intro.

Nung pinanganak ka at nasinagan ng ilaw, meron ka nang anino. Pero syempre kasi cute ka pa, cute din yung anino mo. Tapos syempre habang lumalaki ka, lumalaki din yung anino mo. Hmmn..napaisip tuloy ako, wala pa akong nakitang taong adult na tas baby pa yung anino. Kung ganun yung sa inyo magpakilala kayo sakin, ngayon na! Unlimited slots only!

Anyway, ang anino natin ay parang reflection din natin, madilim nga lang at walang mukha. Minsan nga pag walang salamin, sa anino ako nagaayos ng buhok e. Napansin niyo ba na pag lumiliwanag ang ilaw, tumitingkad ang kulay ng anino niyo? Syempre napansin niyo yun, malaki na kayo e. Peace! At kahit anung gawin mo, may anino ka. Kahit pumikit ka pa. Nandiyan lagi yan. (Okay, alam ko pinipilosopo niyo na ako sa utak niyo, "Malamang pag walang ilaw walang anino!")

Ang anino natin ay paalaala satin na buhay pa tayo, na may laman ka pa at hindi ka pa multo. Nako matakot ka na pag wala ka nang anino. At ang anino natin ay isa ring paalala satin ng Diyos na merong liwanag.

(May gusto akong iparating na mensahe dito. Ano nga tawag dun? Moral lesson yata.)

Ayun, kakain muna ako kasama ang aking pamilya, at ang aming mga anino. HEHEHE.
Binabati ko nga pala si "Eca Ranum", klasmeyt ko nung highschool. Yan binati kita a!

Tuesday, July 21, 2009

The Using What You Have Principles (PART ONE!)

Ang tagal kong di nakapagpost dito. May mga iba pa din kasi akong sinusulat and isa na dun yung bagong fiction story. Ayun, mukhang mainit na ulit ang panahon at oras na, para mabasa niyo ang...


THE USING WHAT YOU HAVE PRINCIPLES! PART ONE!

Madalas tayong naiinggit sa iba. Naiinis tayo kasi wala tayo nung meron sila. Sa totoo lang, nakakainis talaga. In my case, nasanay kasi ako na lagi ako yung napapansin at laging ako yung magaling. Kaya pag may nakikita ako na mas magaling sakin (hindi ko kilala), minsan nakakainggit or nakakainis. Gusto ko kaya ko lahat at maging magaling ako sa lahat. Pero hindi talaga pwede. Kaya just use what you have!

1.)Use what you have to gain friends - kunwari magaling ka sa music, marami kang makikilalang musikero. Marami kang magiging kaibigan sa specialty field mo.

Use what you don't have to gain friends - Kung wala ka, malamang meron siya. You can gain friends din sa pamamagitan ng mga bagay na wala ka or hindi ka magaling. Halimbawa, sa school, hindi ka magaling sa math, ngayon tinulungan ka ng klasmeyt mo na magaling sa math. Tapos dineklara niyo na sa buong Pilipinas na magkaibigan kayo. HEHE.

2.) Use what you have to lead - kunwari, matalino ka, tapos may group activity, edi take the lead na. Hindi yung reklamo ka ng reklamo kasi feeling mo mas maganda yung idea mo. Kung alam mong magaling ka dun, magsalita ka.

Use what you don't have to follow - ngayon, kung hindi mo naman alam, eh wag ka nang umepal. Hindi naman masakit makinig e. Kung gumagawa kayo ng bahay ng kaibigan mong architect, makinig ka sa sasabihin niya at sumunod ka. Unless, isa siyang impostor or doppelganger ng kaibigan mo.

Okay, next time na muna yung part two neto. Sorry guys kung medyo nadelay tong blogpost a. Ingat lagi.

Friday, July 17, 2009

Rain Rain

Kahapon, nasiraan ako ng kotse. Nadischarge yung battery sa di malamang dahilan. Tapos ang lakas ng ulan. Tapos gusto ko ng umuwi. Tapos hindi ko alam kung anung gagawin ko. Wala akong alam sa mechanical stuff. So, dapat na yata akong magluksa. BUT, hindi yun ang ginawa ko. Tinawagan ako ni mommy pagkatapos ko siyang itext tungkol sa sasakyan. Tas dumating sila tita and husband niya. Tinulungan nila ako. Nakita ko pa yung schoolmate ko na handa rin magbigay ng kuryente galing sa kotse niya. Sa mga ganitong sitwasyon, makikita mo na may mga taong tutulong sayo sa problema mo, kahit pa malakas ang ulan. At naisip ko din na kaya pala tayo hindi perpekto e para magtulungan tayo. Kasi hindi pwedeng alam natin lahat. After almost two hours, naayos din.Basang basa ako sa ulan at pagod na din kasi galing pa akong school. Pero okay lang yun, at least I learned.(commercial yun diba).
Ayun ang haba na ng intro ko. So moving on to the blogpost proper content.

Rain, madalas kinukumpara siya sa isang problema, or kalungkutan. Syempre next in line si rainbow. Ngayon, habang sinusulat ko to, napakalakas ng ulan, kaya naisip kong magsulat tungkol dito.

Para sakin, ang ulan ay isang time machine and at the same time, isang memory recorder. Nostalgic ang ulan. Maalala mo yung mga panahong kuuyuuut na bata ka pa at wala kang pakealam kahit wala kang shorts basta maligo ka lang sa ulan. Naalala mo yung panahong sweet sweetan kayo ng puppy love mo at share pa kayo sa isang payong. Naalala mo yung panahong ipagluluto ka ng instant noodles kasi malamig ang panahon. Samu't saring kaganapan sa buhay mo ang nakita ng ulan. Isipin mo, kung hindi siguro umuulan nung panahon na yun, ordinaryong alaala lang siya na mas madaling kalimutan. Kumbaga, yung ulan yung sentimental factor ng mga memories na yun. Parang mga problema, kung hindi mo nararanasan ang problema, ang pagkatao mo ay kulang sa sentimental value.

Ang mga problema ay parang ulan lang din, para siyang 'general cleaning' ng buhay mo.
BOW.

Wednesday, July 15, 2009

The Mall Characters Part Two!

Ayun, so nandito ako ngayon sa sm. As usual. At pinilit kong samahan ako ng isang kaibigan na long hair din. Tatawagin natin siyang "long hair dude". Kaya every time na magbanggit ako ng long hair dude dito, siya yun! Okay?

Etong blogpost na to ay part two ng naunang blogpost entitled mall characters. Pagkatapos ko kasing gawin yung post na yun e may mga naisip pa akong ibang mga notable acts dito sa mall. So without further chorva chorva. Eto na.

The Mall Characters Part Two!(echo)(echo)(echo)(humihinang echo)(fade out na)

1.) Pulubing Manggagancho - "Boy, boy, baka pwede namang pahingi ng konting barya, pamasahe ko lang." Yan, yan ang linya lagi ng matandang babae na laging humihingi sakin ng pamasahe. Hindi ko alam kung bakit araw araw niya pa rin akong hinihingan e alam naman niyang araw araw din akong hindi magbibigay. Imposible naman kasing araw araw siyang walang pamasahe (pano siya nakapuntang sm?). Minsan ganito rin tayo. May mga pagkakataong magpapanggap tayo na mahina para magamit ang ibang tao. Mapanlamang at makasarili. Kakainin ang sariling pride para lang sa sariling kapakanan.

2.) The Early Birds - Sila yung mga high school students na alas dose palang ng tanghali, nasa sm na, at ayaw papasukin ng mga guwardiya. Naranasan ko din to. Naiinis ako pag hindi kami pinapapasok. Minsan ganito rin tayo, masyado tayong maaga para sa mga bagay. Hindi natin iniintindi na lahat ng bagay may oras. Pero nakakainis talaga yung mga guwardiya. hehe.Joke.

3.) Moonwalkers - Madalas tong mga moonwalkers e magsyota. Magkaholding hands, magkaakbay, at parang naglalakad sa buwan. Minsan ganito tayo. Ninanamnam natin ang oras na makasama ang importanteng tao sa buhay natin. We take time to look at the beauty of the world. And we don't care about other people, as long as we enjoy each other's company.

4.) The Lost Child - mga batang nawawala. Umiiyak, naglalakad lakad, hinahanap ang kasama, at higit sa lahat, madalas hindi pinapansin. Nawala na rin ako dati, umiiyak ako at paikot ikot ako para hanapin si mommy. Hindi ako pinapansin ng mga tao. Buti nalang may nakakita saking guard. Minsan ganito tayo, nawawala, umiiyak tayo at hindi alam ang gagawin. Hindi tayo pinapansin ng maraming tao. Pero syempre may ilan din na mahahanap ka. Hindi ka naman pwede palaging "nawawala".

Okay, tambay mode muna kami ni "long hair dude".

Tuesday, July 14, 2009

Empty your cup..

Libre na pala wifi sa sm. so andito ako ngayon sa isang tanyag na coffee shop at ineenjoy ang astig na service ng sm. Ayun, wala akong professor kaya tatanga ako ngayon hanggang 7pm. Recently, binabasa ko tong cool na book ni Rane Panaligan entitled the Law of Leverage. In this book, I encountered a cool story. Its about emptying your cup in order to put more in it. Heres the story.(Tagalog version)

Empty your Cup

Meron isang professor ng philosophy na nagpunta sa isang bansa para magpaturo sa isang Zen master tungkol sa mga principles ng Zen. Nagkita sila ngayon nung professor. Hindi pa nagsasalita ang Zen master pero yung professor andami nang defying questions about Zen. Parang nangaaway na yung professor. Yung Zen master naman ay tuloy tuloy lang sa paglagay ng tea sa cup ng professor. Maya maya lang umaapaw na yung cup sa tsaa. Nagalit yung professor. "Hindi mo ba napapansin na puno na yung baso? Bakit tuloy tuloy ka pa rin sa paglagay ng tea?(naks, taglish si prof). Paano mo ako matuturuan kung ultimo paglagay lang ng likido sa lalagyan hindi mo magawa?(naks, makata naman siya ngayon)". Ngumiti lang ang Zen master and profoundly answered, "Parang ikaw tong cup na to, masyadong puno, kaya pag nilalagyan ko ulit ng tea, umaapaw lang.Empty your cup first, so that I could put more tea.(naks,conyo din sa Zen master)."

So yun, ganda ng story diba? Istorya ng dalawang conyong parang tanga nagaaway sa tea. Joke lang. Anyway. Tungkol dito ang blogpost ko ngayon. Emptying your cup.

Madalas katulad tayo ng professor, masyado tayong marunong. Akala natin alam natin lahat. Nagpapaturo tayo pero ayaw naman nating tanggapin yung tinuturo satin. Dapat para matuto tayo, buksan muna natin ang isipan natin sa mga bagong ideas. Hindi yung laging ikaw ang mas magaling. Parang sa inuman lang din yan e. Ubusin mo muna yung beer sa baso mo, bago ka kumuha ulit. Hindi naman ibig sabihin na magpakatanga ka. Ang punto dito e magpakumbaba ka muna. Kasi kahit gaano ka na kagaling. Palaging may mas magaling sayo.

Ayun, sarap pala magsulat sa labas ng bahay. First time ko to e. Alright!

Monday, July 13, 2009

The Mall Characters

Madalas ako sa sm. As in madalas. Monday to Saturday. Kung hahanapin niyo ako, punta kayo sa school, sa timezone, o kaya sa starbucks. Or minsan pagala gala lang diyan sa tabi tabi. Sawang sawa na ako sa SM fairview. Pero kahit papano parang 2nd home ko na rin siya. At dahil sa lagi akong nasa mall, nagdesisyon ako, na gumawa ng blogpost tungkol sa mga observations ko sa mga tao na pumupunta ng mall. Here it is.

THE NOTABLE CHARACTERS OF THE MALL

1.) The Showstoppers - naglalakad ka, maraming tao, fast-paced ang paglakad mo kasi nagmamadali ka. Tapos biglang boom. Biglang tumigil yung nasa harap mo, hindi niya alam na nahaharangan ka niya, at wala din siyang pakealam dun. Babanat pa "Uy friend tignan mo ang ganda oh!". Ang tawag ko sa kanila ay ang mga Showstoppers. Minsan ganito tayo sa buhay. Bigla tayong tumitigil para tignan ng mabuti ang isang bagay or pagtuunan ng pansin ang mga tanawin. Hindi natin minsan napapansin na may mga tao sa likod natin na naghihintay na gumalaw ka para sila din makausad.

2.)The Sabotage Team - Eto yung mga mahilig mantrip ng mga bagay bagay sa mall. For example, pagpapatigil ng escalator(kasali ako dito), masarap kasi sa pakiramdam na napapatigil mo yung escalator, bukod pa dun, sikat ka sa mga tropa mo. Minsan ganito rin tayo sa buhay, masyado nating iniisip ang sarili nating kasiyahan at social image natin, na nakakalimutan na natin na may mga ibang tao na seryoso at hindi natutuwa sa mga pinaggagagawa mo.

3.) The Alay-lakad Guild - eto yung mga taong walang magawa kaya nagpunta na lang ng mall. Wala naman silang pera kaya naglalakad lakad nalang. Walang definite destination. Walang plano. Wala. Wala lang talaga. Minsan ganito rin tayo. Nagaabang lang ng mangyayari kasi hindi pa natin alam kung ano talaga ang dapat gawin.

4.) The Mad Rabbits - Gusto ko lang tawagin silang mad rabbits kasi favorite animal ko ang rabbit. Anyway, sila yung mga maiinit ang ulo sa mall. For example, sa pila sa grocery, may maririnig ka. "Ano ba yan ang haba haba naman ng pila! Ganyan lang ba service nila dito! Hindi na ako uulit dito. Grabe." Nakakainis silang pakinggan. Parang sinasabi niya na din na "I deserve better service than the rest of you", ewan ko sa inyo a, basta sakin ganun yung dating. Minsan ganito rin tayo, akala natin tayo lang ang naagrabyado, hindi natin naalala na marami din ang nakapila kagaya mo, at makakaraos ka din naman, maghintay ka lang.

5.) The Artista Epeks - sila yung mga pupunta lang ng mall para pumorma. As in talagang gusto lang nilang magpaimpress. Maraming ganito pramis. Sobrang dami. Madalas paikot ikot sila, kunwari makita mo sila ngayon, mamaya makakasalubong mo ulit sila. Minsan ganito rin tayo. Nagsusuot tayo ng maskara, nagpapapansin tayo. Huwag niyo kong tanungin kung bakit. Kasi di ko din alam e.

Sa simpleng pagoobserba lang sa mall, makikita mo ang nature nating mga pilipino. Try niyo minsan hanapin tong mga notable characters na nandito. O kaya hanapin niyo na lang ako para masaya.HEHE. Jooookkeee laang!...

Sunday, July 12, 2009

seeking and finding

Just now, something got into me, a popular bible phrase. "seek and you shall find". Hanapin mo at mahahanap mo. Ngayon magpapaalam ako sa Diyos at sa inyong mga readers ng blog na to. Babaguhin ko ng konti a? Irerevise ko ng konti. Okay salamat!

1.) Seek and you shall find - eto ang usual na nangyayari, humanap ka ng kaibigan at makakahanap ka, humanap ka ng pera at makakahanap ka, humanap ka ng pagibig at makakahanap ka, humanap ka ng panget at ibigin mong tunay. Totoo naman to e, talaga naman na pag hinanap mo makikita mo e. Kahit sa maliliit na bagay lang e, pag nawawala ang tsinelas mo hanapin mo lang makikita mo rin yun.

2.) Seek and you'll realize you already have it - madalas din to, alam mo yung pakiramdam ng nawawalan ka ng bolpen tas nasa tenga mo lang pala? Parang ganito yung nangyari sakin nung nasa mapua pa ako. I was longing for love, lots of love, especially sa mother ko. Rebelde ako, hindi ako pumapasok sa school, hindi ko binayaran yung dorm ko, gimik lang ng gimik. Hinahanap ko yung pagmamahal ng magulang ko, akala ko kasi wala e, kaya hinanap ko siya sa ibang bagay. Bumagsak ako, lumipat ako ng school, pinagalitan ako, pinarusahan ako. Galit pa rin ako. Hanggang sa nagising na lang ako sa katotohonan. Nandiyan lang pala yung hinahanap ko. Araw araw may kinakain ako. Nakakapagaral ako. Lumaki akong normal at maayos. Hindi ko naisip na lahat ng meron ako ngayon, dahil sa paghihirap ng pamilya ko, lalo na ng mother ko. And I started to give back love. Naging grateful ako. Ikaw, baka may hinahanap ka na nandiyan na pala matagal na.

3.) Seek gold and you might find diamonds - alam mo yung naghahanap ka ng piso tas magugulat ka may 5 pesos. Astig diba. Ang sakin naman e, I wanted to have a place in the music industry, as in, gusto ko talagang maging sikat na musikero. Obviously, hindi ako sikat na musikero (or baka hindi pa ngayon), hindi ko nakuha yung gusto ko. Pero may nakuha akong mas valuable. Friendship. Marami akong naging kaibigan, as in real friends dahil sa pagbabanda ko. Experience. Wala nang tatalo pa sa experience. Siyempre marami kaming napagdadaanan na mga hirap ng isang musikero. Though hindi ko nakamit yung talagang gusto ko. May nakuha naman akong mas maganda. O ha.

4.)Seek and you'll find others who need it more - Isang araw naglalakad lakad ako sa Manila, pauwi na ako nun. Saktong pamasahe nalang pera ko. Pasakay na sana ako nang may lumapit saking pulubi. Para akong sira, hindi ko alam kung bakit pero binigay ko lahat nung pamasahe ko. Tuwang tuwa yung matanda, kinamayan pa ako at parang gusto pa akong yakapin. Hindi masama ang loob ko kasi alam kong mas kailangan niya yun. Ayun, naglakad ako pauwi. (Promise naglakad talaga ako)

Minsan naiinip na tayo sa kakahanap, naiinis na tayo kasi hindi natin makita yung hinahanap natin. Pero malay mo pre, nandiyan na pala or ibang way lang binigay sayo.

You're Next! What are you to the World??

Naiinis ako pag may namamatay na celebrity. Hindi lang dahil sa nakakasawang palabas at news sa tv, hindi lang dahil nalulungkot ang marami, hindi lang dahil sa hindi ako ang tagapagmana ng yaman nila. Naiinis ako, kasi baka ako na ang sunod na madedo!Pag nadedo ako, ano ako sa mundo? Wala, parang napadaan lang ganun? Ayoko nga!

So ang topic natin ngayon ay tungkol dun. Paano ka aalalahanin ng tao pag wala ka na? AT ang mas matinding tanong ay paano kung bukas o makalawa wala ka na? Nagawa mo ba yung mga dapat mong gawin? Natulungan mo ba yung mga taong dapat mong tinulungan? Nayakap mo ba ang mga magulang mo? Nagsorry ka ba sa mga nasaktan mo? Isipin mo yan tol.

"The best way to live is to live like a dying man", narinig ko yan sa favorite preacher ko, si Bo Sanchez, mga weeks ago, bago ata mamatay si Michael Jackson. Ang ganda ng line na yun, motto ko nga siya ngayon e (okay lang, gayahin mo na). Kasi pag mamatay ka na, gagawin mo na lahat ng kelangan mong gawin, tatapusin mo lahat ng kelangan mong tapusin, papatawarin mo na ang mga may sala sayo, at magiging mapagmahal kang tao. You'll treat everyday as a blessing, and hinding hindi ka na magsasayang ng oras, kasi malapit ka na mawala dito e. Kung pwede nga lang wag nang matulog e. Every second counts.

Iniisip ko nga minsan e, kung naging diyos ako for one day, bibigyan ko ng taning ang mga pulitiko, bibigyan ko silang lahat ng 30 days bago sila mamatay. Ano kayang gagawin nila noh? Importante pa rin kaya sa kanila na mangurakot kahit alam nilang malapit na nilang makaharap si San Pedro? Aagawin pa rin kaya nila ang yaman ng Pilipinas kahit ilang araw nalang sila dito? Grabe na yun a. Siguro naman hindi, siguro instant 1st world country ang Pilipinas!. ahahaha..Taningan na yang mga pulitiko!

Ikaw pre, anung gagawin mo? Malay natin, ikaw na ang sunod kay Michael Jackson. Sino ka sa mundong to? Anung pakealam namin sayo? Kilos na.

Friday, July 10, 2009

Try and Succeed

So I just got home from school. Kapagod pero masaya naman, tumambay akong national bookstore kanina, dalawang oras yata akong paikot ikot dun. Anyway, ano ba ang topic ng post ko ngayon. Well, tungkol sa isang linyang madalas kong naririnig. "Try and try until you succeed." Kanina kasi habang may naoverhear ako na naguusap na magkaibigan, may mali yatang nagawa yung isa, sabi nung friend niya, "okay lang yan, try and try until you succeed." Ngayon yung utak ko medyo nagdwell dun sa line na yun, and boom!.."may mali" sabi ko sa sarili ko. "May mali dun sa linyang yun e."

Try and try until you succeed. Ang ganda pakinggan, EPIC yung dating. Ang pagkakaintindi natin dito ay ang hindi pagsuko sa mga problema, at wag tumigil hanggang hindi nagtatagumpay. Pero pasyensya na kayo a, kasi medyo titignan natin ang negative side. Ano ba talaga ang problema sa linyang to? Ang problema, EPIC siya e. Explain ko ha.

Analyze the line. Masyado nating "iniispoiled" yung failure. Parang sobrang okay lang na magfail tayo. 'Try and try'. Parang dalawang failure muna, tapos 'until', ibig sabihin may kasunod pang try, try, try, try, hindi natin alam kung gano kahaba pa yan. Indefinite kasi yung word na 'until' e, so para siyang bottomless na iced tea. At sa huli na yung 'succeed', oh diba napakaEPIC ng pagdadaanan mo bago ka magsucceed.

Masyado nating kinukunsente ang failure. Hindi ko naman sinasabi na masama magkamali, ang point ko lang naman e ang mentality kasi ng karamihan e parang "okay lang na bumagsak ako ngayon, may next try pa naman, pag bumagsak ako, edi try ulit, try lang ng try hanggang pumasa na ako."

Syempre itatanung niyo sakin "eh anu ba dapat ha?", at mayabang kong sasagutin na "Dapat TRY AND SUCCEED". Iassociate natin ang word na TRY sa word na SUCCEED. Dapat gawin nating synonym ng TRY ang SUCCEED. Gets? Tanggalin na natin yung napakahabang proseso. Taasan natin ang standards natin.

Ayun, kinwento ko lang sa inyo yung mga naisip ko kanina. Okay, gagawa muna ako ng mga gagawin ko.

Sunday, July 5, 2009

The Different Pretenses of the Swaggering Filipino

Yun. Sunday ngayon at wala ako sa church, kaya magpopost nalang ulit ako dito! Good day everyone! Our lesson for today is about the different forms of kayabangan ng pilipino! Saya diba!

Okay so may pagkamayabang tayong mga pinoy, syempre di naman maaalis yan sa mga tao. Ngayon, isipin mo sa isang kuwarto, maglagay ka ng mga 50 persons, obserbahan mo sila, makikita mo ang iba't ibang uri ng kayabangan. Kahit sa inuman lang e, makakakilala ka ng iba't ibang taong may iba't ibang sapak sa pagyayabang. Ngayon, try nating ilista ang mga klase ng kayabangan base sa karanasan ko. Alryt, game!

1.) Honest Yabang - Eto yung kayabangan ng mga taong totoo namang magaling. Ang problema lang dito minsan masyado na nilang pinapaulit ulit na nanalo sila sa spelling bee, or magaling siyang maggitara, or kabisado niya yung dictionary. Paulit ulit tuwing nagkikita kayo. Minsan gusto mo nang unahan sa pagsasalita e. Pero may mga tao namang nabibilang sa ganitong uri ng kayabangan, na talagang nagmamalaki lang. Pagkatapos mapuna e tumatahimik na.

2.) Pahumble Yabang - eto sobrang dami nito, yung nagyayabang through pahumble epek. Ang hirap dito kasi minsan hndi mo alam kung talagang marunong ba or humble lang talaga. Kunwari, sa bilyaran, may nakilala ako sabi niya di daw siya marunong, tas pag tumira isang kamay lang ginagamit, tapos sabi ko "sige nga dalawang kamay naman". Ayaw niya, napaisip tuloy ako kung marunong ba talaga to, or nagyayabang lang. Meron naman akong kakilala na sobrang pahumble kung magyabang. Ang technique niya ay ang paggamit ng salitang 'lang'. Yung tipong "Ako P5000 lang pera ko e", "Kami turkey lang ulam namin e", "Yung kuya ko nakaPS3, ako nakaXBOX lang e".

3.)All Knowing Yabang - eto gustong gusto kong binabara ang mga ganito. Eto medyo iba to sa Poser yabang, kasi dito alam talaga nila yung sinasabi nila, masyado lang silang mapapel. Parang lahat ng bagay dapat may sasabihin sila e. Pag alam mo din yung sinasabi niya, dadagdagan niya yun hanggang sa hindi mo na alam. Gusto nila na sila lagi ang marunong at nakakaalam. Kaya minsan nagiging poser yabang to.

4.)Poser Yabang - Eto yung pinakanakakatawa sa lahat, kasi eto yung mga 'nagmamaru' kung tawagin. "ah oo si ano, kilala ko yun e, yun yung ano diba, oo yun." Meron pa nga "Ay oo ang galing ko nga magganun e, alam yung super ano, ano nga tawag dun, oo tama ang galing e noh". Grabe wala akong masabi sa mga ganitong tao.

5.)Barbero Yabang - eto na yata yung pinakanakakainis sa lahat, pero minsan nakakatawa din. Sila yung mga nagsisinungaling na talaga para lang gumanda yung image. Marami akong kilalang ganito, masyadong maimbento, hindi ko nga sila maintindihan kung bakit nila ginagawa yun. Tatanggapin ko naman kasi sila kung ano sila e.

And that's it for this lesson, class. I love you, mabuhay mabuhay.

Friday, July 3, 2009

Being Grateful

So yun, kakauwi ko lang. Medyo napainum pa ako ng konti kasi dumating yung kapatid ng barkada galing ibang bansa. Habang nagkakasiyahan kami, bigla akong napangiti, inisip ko na ang swerte ko sa mga kaibigan ko. Naks. Cheesy.

So tungkol dun ang blog post ko ngayon. Its all about being grateful. Napansin ko lang kasi sa mga pinoy, lalo na sa mga teenagers. Nahulaan mo ba? OO tama ka, masyado tayong mareklamo. Lagi nalang tayong kawawa, lagi silang may atraso sa atin, palagi silang masama kung makatingin. Minsan pa nga feeling mo wala ka nang kakampi. Yun yun e, minsan kasi "feeling mo" lang yun.

Naiinis ka kasi wala kang damit na katulad ng sa iba, naiinis ka kasi hindi maganda yung syota mo, nababadtrip ka kasi ang ingay ng nanay mo, kasi ang pangit ng school mo, kasi walang hotsauce, kasi ang tagal dumating ng load, kasi ang bagal ng internet, kasi panalo si pacquiao, kasi kumakanta si regine, kasi gusto mo lang, kasi buhay ka.

Dati ganyan din ako, sobra talaga. Ang yabang ko kasi nun, para akong perpektong tao kung umasta nun. Nagloko ako sa Mapua, sinayang ko yung pera, ako pa galit. Hindi ko kasi tinignan yung mga magagandang bagay. Mas pinahalagahan ko yung sarili ko. At ngayon ngayon ko lang naisip na pwede pala pahalagahan ang sarili habang pinahahalagahan ang iba. Or para mas cool, pahalagahan ang sarili sa pamamagitan ng pagmamahal sa iba. O ha.

Naalala ko last year yata yun, namomroblema ako nun sa mga bagay bagay, tas yung barkada ko tinawagan ko. Edi nagkita kami, magshashare na sana ako e inunahan ako. Grabe umiiyak na siya sa laki ng problema niya. Tas tinanung niya ko, "Ikaw ano ba problema mo?". Para akong binatukan ng langit nun.

Tol, tignan mo nga yung mga pulubi sa daan, yung mga baliw na pinagtritripan, yung mga batang naninigarilyo at nagrurugby habang yung mga magulang e nagsusugal, yung mga taong tapat na nagtratrabaho pero kinokotongan pa. Saka mo itanong sa sarili mo, "Ano ba ang problema mo?".

I'm a Filipino!

Ayun, di nanaman ako nakapasok. Kaya magpopost nalang ako dito. If you noticed I started this blog with "Lupang Hinirang". Bakit?Well, simply lang. Kasi gusto kong ipakita na mahal ko ang Pilipinas. Gusto kong isampal sa mga mukha niyo na kabisado ko ang Philippine national anthem (actually copy paste lang yun).

Marami kasi satin ngayon lalo na sa mga kabataan nakakalimutan na ata na pinoy sila. Nagiiba na agad ang tabas ng dila natin nakatikim lang ng starbucks, (wag kayong maoffend maxado a,nagsstarbucks din ako). Marami ang nakakalimot ngunit mas marami naman ang nagpapalala sa fact na nakakalimot na nga tayo. Eto yung mga taong katulad ko, na masyadong mapuna at mapanlait. Wala lang, siningit ko lang.

Anyway, hindi naman lahat nakakalimutan ang pagkapinoy nila. Ang problema lang kasi, kinahihiya nila or talagang wala lang silang pake. Masyado nating minamaliit ang Pilipinas, sinasabi natin na palpak ang gobyerno, grabe ang trapik sa edsa, mabaho ang daan, madaming kriminal. Minsan masasabi mo pa nga na ayaw mo nang tumira sa Pilipinas. Ang daming sinasabi, daming panglalait sa Pilipinas, pero wag ka, pag nanalo si Pacquiao, proud na proud to be pinoy yan!

Sana tigilan na natin ang pagbatikos sa kapwa natin at sa sarili nating bansa. Magagaling tayong mga Pinoy, gamitin natin yun. Kaya naman natin e.

Tara, starbucks! hehe.

The National Anthem of the Philippines

A new blog is born! And with all respect and love to my country. I will post the lyrics of the Philippine National Anthem "Lupang Hinirang". Please do not flame or spam in this post. Long live the Philippines!

Bayang magiliw
Perlas ng Silanganan,
Alab ng puso,
Sa dibdib mo'y buhay.

Lupang Hinirang,
Duyan ka ng magiting,
Sa manlulupig,
Di ka pasisiil.

Sa dagat at bundok,
Sa simoy at sa langit mong bughaw,
May dilag ang tula
At awit sa paglayang minamahal.
Ang kislap ng watawat mo'y
Tagumpay na nagniningning,
Ang bituin at araw niya
Kailan pa ma'y di magdidilim.
Lupa ng araw, ng luwalhati't pagsinta,
Buhay ay langit sa piling mo;
Aming ligaya, na pag may mang-aapi
Ang mamatay nang dahil sa iyo