THOUSANDS OF FREE BLOGGER TEMPLATES

Saturday, December 5, 2009

Deaf

Araw araw, lagi mong maririnig ang mga taong nasa paligid mo. Kapamilya mo, kaibigan mo, kaaway mo, kasintahan mo, kakilala mo, at syempre mga di mo din kilala. Batian, asaran, seryosong usapan at seryosong gaguhan. Pero minsan, kelangan mong pakinggan ang sarili mo, lalo na sa mga pagkakataong hindi na maganda ang sinasabi nila sayo.


Dati, masyado akong apektado pag sinasabihan ako ng mga di magagandang bagay. "Wala kang kwenta," "wala akong tiwala sayo," "hindi ka karapat dapat", mga example lang yan ng mga pinakanakakainis pakinggan. Lalong lalo na pag sinasabi nilang hindi mo kaya o wala ka ng pagasa.

Ang unang reaksyon ko diyan dati, "hindi ko kaya?okay". Oo tinatanggap ko at ninanamnam at pinapakita ko pa na talagang hindi. Kasi, talaga namang nakakapanghina ng loob pag sinabihan ka nun lalo na pag matalik mong kaibigan o kaya e kapamilya mo pa ang nagsabi.

Pero ngayon, natuto na akong maging bingi sa mga ganitong bagay. Naririnig ko sila, pero hanggang dun lang. Naririnig ko lang. Saka ko lang kasi nalaman na hangga't hindi tama ang sinasabi nila, hindi mo naman kelangang damdamin. Intindihin mo, pero wag mo nang damdamin.

Monday, October 5, 2009

Another One of my Car Stories

I had a fun day at school. Saya ng araw ko. Malapit na mag 9pm so naghiwalay na kami ng friends ko and dumaan muna akong KFC para bumili ng paborits kong twister. Punta ako sa parking lot E ng sm fairview. Kinamusta ko pa yung kotse kung okay lang siya tapos ay pumasok na sa sasakyan. Ang saya ko grabe, di ko maexplain ang katuwaan. Ayaw nanaman umandar ng kotse. Beset.


So I tried hard to fix it with my very little knowledge of car fixing whatsoebiiir. Wala. So 10pm na at marami pa akong gagawin. Hassle pare. Nagdesisyon na akong iovernight parking ang magiting na sasakyan. Nagtanong ako sa guard. Kelangan ko pa daw maglakbay patungo sa CRS office ng SM. Tinuro niya sa akin kung paano pumunta dun. Nagumpisa na ang aking epic journey papunta sa CRS office.

So after ng epic journey ko. Nakarating na ako sa CRS office ng sm (level up sound ng ragnarok plays). Ang daming guwardiya! Sa sobrang dami nila parang di na safe, nakakatakot na. Parang pagtutulungan ka nilang gulpihin. Tapos parang may meeting yata sila.

Nakakatakot.

Pag pasok ko sa CSR office. May manong na nakaglasses at nakangiti sa kin. OO pare, parang bading. Pero hindi naman pala siya bading, (actually parang mas exciting ang kwento kung bading siya). Tapos yun, mabait si kuya, pinafill up niya sa akin ang isang form.

Pangalan:
Adres:
Bakit iiwan ang sasakyan:
Deskripsyon ng sasakyan:

tapos may statement na "Ako, state your name, etc etc". Naamaze ako, ngayon na lang ulit ako nakafillup ng ganitong form. Anyway, so habang finifillupan ko yung form, iniisip ko pa rin kung bakit parang ang aliwalas ng ngiti ni kuya and parang ang ganda ng aura niya. Ewan ko ba, hindi naman siya bading. Isa siyang kakaibang lalake.

Okay na sana at pwede na akong umuwi. Kaso nagtanong pa si kuya tungkol sa desktop computer niyang sira ang mouse. After ko siyang bigyan ng advice ay nakaalis na rin ako sa CSR office.

Ang saya ko. Hindi ko alam kung bakit. Habang naglalakad ako pabalik ng kotse para kunin ang mga gamit ko e nakangiti ako. OO na para na akong baliw nakangiti magisa. Siguro ay nagenjoy ako sa mini adventure ko.

Dun ko naisip na, hindi lang pala change and constant sa mundo. Improvement din. Though hindi lang halata sa kwento ko. Naisip ko na lagi palang may improvement kung titignan mo lang ng mabuti. Kahit ano pang disaster yan or mabigat na problema. Laging may tumitibay sa loob natin mapasuccess or failure man.

Parang walang connect sa experience ko pero meron. Thank you for reading!


Tuesday, September 29, 2009

The Big Small Problem

Hey people! Howdy, howdy? Grabe si Ondoy noh?

Kahapon, nagjam kami ng banda ko. After ng jam, pasok ako sa kotse. Game na game na akong umalis tapos boom. Ayaw magstart. "Naman naman, sira nanaman ba?" yan ang tumatakbo sa isip ko. Tinry ko ulit paandarin, tinry ko ulit, isa pa hanggang sa naniwala na ako na sira nanaman nga. So katulad ng mga ibang pagkakataong nasiraan ako ng sasakyan, tumunganga ako. Naghintay ng ilang sandali, at sinubukang paandarin ulit ang kotse. Ayaw talaga. Umaasa pa rin kasi ako na aandar siya ulit, kahit alam ko naman na kelangan ko nang lumabas para tignan ang makina. So lumipas na ang ilang minuto at binuksan ko na ang hood, tinignan ang makina, at boom! Wala akong maisip. Eh wala naman akong alam sa mechanical whatever e. So chineck ko yung mga parts na tinuro sakin ni ermats na galawin ko pag nasiraan ako. Kumuha pa ako ng tools sa trunk, kunwari marunong. After mga 30 minutes ng kabubutingting, wala pa rin. So back to basics ako, tunganga mode ulit. After a while, tinawagan ko na ang aking inay, dumating siya maya maya at nagkalikot kalikot din sa makina. Hay salamat, hindi pa rin umaandar. Pero at least nandito na si mommy at siya na ang tatawag ng mga mekaniko. Dumating ang mga mekaniko after mga 30 minutes. Binuksan ang hood, parang may hinawakan lang na kung ano, (actually parang hinipuan nga e), umandar ang makina. Napamura na ako sa sobrang kahihiyan, inis, at katatawanan sa sarili. Tinanong ko na agad kung paano ang ginawa niya. Although hindi ko masyadong naintindihan yung mga terms, nakuha ko naman kung san banda yung gagalawin(hihipuan).

Nung pauwi na kami, naisip ko na minsan pala ganun din tayo. Masyado tayong naiistuck sa isang bagay kakaisip kung asan ba ang problema, nagtatawag pa tayo ng ibang tao, nagsasayang pa tayo ng oras, kumukuha pa tayo ng mga tools, hindi natin alam na onting hipo lang pala, hindi naman pala ganun kalaki ang problema. Hindi naman natin kelangan malaman ang mga mechanical terms e, basta alam mo lang kung san yung hihipuan mo, ready to go ka na ulit.

Tuesday, September 8, 2009

immortality

Madalas ko naiisip kung ano kaya ang feeling ng maging immortal. Yung tipong kahit saksakin ka, barilin, pugutan ng ulo, ilaglag sa bangin, ipasagasa sa bus, iparape, chop chop, pasabugin ang utak, gamitan ng deathnote, gamitan ng geass, gamitan ng kame hame wave, ipakain sa tigre, ilibing, lunurin, sunugin, lasunin, ipitin sa stampede, pagtulungan ng WWE wrestlers, UFC fighters kahit isama pa si manny pacquiao, si ali, si efren "bata" reyes(bakit pwede naman aa, malakas naman siya), si majimbu, si doraemon, dora the explorer at kahit sino pang cartoons na hindi nakakatuwa. Hindi ka pa rin mamatay, kahit pa madapa ka. Ano ang pakiramdam nun?

Ilang pamilya kaya ang mabubuo mo nun? Baka siguro pati hayop patulan mo na, maiba lang. Syempre kung 79,858 years old ka na malamang sawa ka na sa tao. Kawawa siguro ako nun pag naging immortal ako. Siyempre kawawa din kayo, kasi hindi natin alam kung kelan ko aabusuhin yun. Siyempre isusumpa niyo ako, tapos nakakalungkot yun, magmumukmok ako, iiyak, tas maawa kayo sakin, kaya friends na ulit tayo, tas naisip natin na kelangan talaga nating magkaisa para maging maayos ang mundo, tas tatakbo na akong presidente ng Pilipinas, siyempre sikat na ako e, pag sikat ka may potential ka nang mangurakot. Nanalo ako kasi ang ganda ng image ko sa commercials, tapos kunwari umaasenso ang Pilipinas, eh nalaman niyo, yari na. So ako pa rin yung presidente, kasi nakalimutan niyo na na may kasalanan ako sa inyo, tapos dumating si Freeza sinira yung mundo. Kaya hinanap ko ngayon yung dragon balls, e wala nasira din, lipat ako ngayon sa planet nemic, tas sabi ko, I shall return! Tapos yun, inayos na ni son goku yung earth, pero di na ako bumalik. Ano inaasahan niyo? Politiko kaya ako, bakit ko gagawin yung sinabi ko? Ano ba yan. Slow mo.

Ayun, kaya ayoko maging immortal e.

Thursday, August 27, 2009

The RPG Life

Hey people, sorry di ako nakakapagpost masyado. Tapos sira pa internet ko kaya pc ni mommy ngayon ang gamit ko. Ayun, nagdownload ako ng emulator ng psone sa internet tas nilaro ko yung suikoden II. Kakatapos ko lang kanina nung laro. Kung nakakarelate kayo, cool, kung hindi okay lang hindi ko naman kayo pinipilit. hehehe.

RPG, madalas kong pinangarap na ang buhay ay maging isang rpg. Isa yun sa mga pangarap ko na imposibleng matupad.

The Difference Between RPG games and Reality

1.)The Power Switch - Unang una, syempre yung switch ng console or ng pc. Pag gusto mo maglaro, i-oon mo muna yung gadget mo. Sa totoong buhay, walang switch, hindi mo pinipili kung anung panahon ka mabubuhay, tuloy tuloy lang. Walang on switch, pero may off, kung gusto mo na talaga magquit, edi pakamatay ka na, kaso wala nang ulitan.

2.)New Game - Okay, naglalaro ka, tapos nabadtrip ka kasi mayron kang hindi nakuha or nastuck ka sa isang glitch or error. What do you do? Hit the new game button! (Though nakakainis minsan kasi ang layo mo na tas uulit ka ulit kasi nakalimutan mo lang magsave) Dito sa totoong buhay, walang new game, once you begin, you have to finish it, walang ulitan.Walang reset. Pero may Continue.

3.)Settings - sa buhay, hindi mo pwede ibahin ang difficulty ng problema, kung ano ang nasa harap mo, yun na yun. Hindi mo pwedeng pindutin ang start button, may lalabas na menu, tapos difficulty, easy. Walang ganun dito pre.

4.)Pause - The famous pause button, eto yung mga oras na naiihi ka, or kakain na, pindutin mo yung pause tapos titigil na ang mundo dun sa rpg. Sa buhay, pwede ka naman magpause, yun nga lang, hindi titigil ang mundo para sayo.

5.)Game Over - Sa laro, may mga certain conditions na kelangan mameet para magame over, pinakacommon e yung mamatay, pero la namang silbi kasi may load game naman or continue. Pangalawa e pag natapos mo yung story. Pangatlo e mga kakaibang rason na. Sa totoong buhay, ikaw ang magdidikta kung game over na ba o hindi. Nasa sayo yun kung suko ka na ba or continue ka pa. Ikaw rin, minsan ka lang mabuhay.

6.)Credits - Alam mo ang pinakabadtrip na parte siguro pag natatapos mo ang laro e yung credits. Kahit sa pelikula or tv show, hindi sila nakakatuwang tignan. Unang una ang dami daming pangalan, pangalawa hindi mo naman sila kilala kaya wala ka ring pakealam sa kanila. Kaya tingin ko dapat sa credits ng buhay ko, dapat karamihan dun pangalan ko. Para masaya tignan diba!

Abangan niyo part 2 nitong post na to!

Wednesday, August 5, 2009

Emptiness

Emptiness, parang ang lungkot ng title ko. Pero joke lang yan, kasi hindi naman ako malungkot. Anyway, kamusta naman? Nagpunta ba kayo sa Manila Cathedral para kay Cory?Ako hindi. Pero huwag niyong sabihing wala akong pakealam. Kase meron, meron, meron!

Lately, wala akong maisip isulat. Maraming ideas pero hindi ko mapagisa, parang puro fragments lang. Kahit sa musika, hindi ako makagawa ng kanta. Pero ganun talaga pag pinipilit ko, wala akong nagagawa, kung meron man, ubod ng pangit. So, medyo nagegets niyo na ba kung bakit emptiness? Empty ako ngayon, lacking creativity. Para akong cheesedog na walang cheese. Hamburger na walang ham. Iced tea na walang ice. (Okay gutom ako, inaamin ko na).

Siguro naman nararanasan niyo din to minsan. Alam mo yun, yung parang may something na dapat kang gawin, pero hindi mo makuha kung ano or paano. Ako naman, sa mga ganitong oras ko narerealize na dapat pala yung mga naisip ko nun e sinulat ko agad. Ganun kasi ako e, mayabang, kunwari may naisip akong brilliant idea, sabihin na nating nakaisip ako ng formula para magkaron na talaga ng totoong pokemon. Siyempre ang ganda ng idea diba!? Dapat tandaan, para matandaan, dapat isulat. Ako, mayabang ako, hindi ko isusulat, mamaya nakalimutan ko na. Yan, kaya tayo walang pokemon ngayon, kasalanan ko yun. Sorry na ha?

So ano ba ang ibig kong iparating sa inyo, aking mga mambabasa. Meron tayong kasabihan na gasgas na rin sa kakaulit. "Oppurtunity knocks once." Parang nangyayari sakin ngayon, dapat tinake ko na yung oppurtunity na yun habang nandun pa yung idea. Sayang e. Tama diba? Pero iibahin ko ng konti to, okay lang ba?

"Oppurtunity knocks once, because they fall in line at your door, millions of them." Look at this blogpost as an example. I was out of ideas, and I ignored the previous ones. But still, palaging may darating na bago.

Yon, binabati ko si "Chekwa". Wuhahaha..

Monday, August 3, 2009

Choices.

Sorry guys ngayon na lang ulit ako nakapagpost. Recently medyo nalibang ako sa mga bagay bagay. Nirefresh ko ulit yung piano playing ko, tapos nanuod ako ng mga anime, tas pasok sa school, tas gimik. Basta mga ganun. Marami akong naiisip netong mga nakaraang araw. Minsan talaga nababaliw ako.

One of the things that I have thought about is something about the main purpose of life. Bakit ba tayo nabubuhay? Ito ay isang tanong na napagdadaanan siguro ng lahat ng tao (pwera na lang siguro kung talagang napakatalino mo). Para saan ba ang mga ginagawa natin? Okay, disclaimer muna, hindi ko kinikuwestiyon ang diyos. Walang aangal ha?

Bakit ba tayo buhay? Isang tanong na hindi natatapos. Araw araw paikot ikot ang mga buhay natin. Araw araw din may natatapos ang buhay. Bakit? Sabi nila nabubuhay tayo para matuto. Sabi ko matuto, tapos ano na? Tapos naisip ko na kahit sino pang tanungin ko. Wala talagang nakakaalam ng accurate na sagot. In short, the answer lies within you (now where have heard this line before?). Siguro pag namatay na tayo, saka natin malalaman kung bakit tayo nabuhay.

Kaya as for now, we don't have a better choice than living. Well, sa iba mas trip yata nila mamatay e. Pero, hindi ako papayag na dalawa lang ang choices kaya dadagdagan ko. The 3rd choice is to live better, and the 4th is to live at your best.

Binabati ko si Dora. ^_^. Pasok na muna ako.