THOUSANDS OF FREE BLOGGER TEMPLATES

Sunday, July 12, 2009

You're Next! What are you to the World??

Naiinis ako pag may namamatay na celebrity. Hindi lang dahil sa nakakasawang palabas at news sa tv, hindi lang dahil nalulungkot ang marami, hindi lang dahil sa hindi ako ang tagapagmana ng yaman nila. Naiinis ako, kasi baka ako na ang sunod na madedo!Pag nadedo ako, ano ako sa mundo? Wala, parang napadaan lang ganun? Ayoko nga!

So ang topic natin ngayon ay tungkol dun. Paano ka aalalahanin ng tao pag wala ka na? AT ang mas matinding tanong ay paano kung bukas o makalawa wala ka na? Nagawa mo ba yung mga dapat mong gawin? Natulungan mo ba yung mga taong dapat mong tinulungan? Nayakap mo ba ang mga magulang mo? Nagsorry ka ba sa mga nasaktan mo? Isipin mo yan tol.

"The best way to live is to live like a dying man", narinig ko yan sa favorite preacher ko, si Bo Sanchez, mga weeks ago, bago ata mamatay si Michael Jackson. Ang ganda ng line na yun, motto ko nga siya ngayon e (okay lang, gayahin mo na). Kasi pag mamatay ka na, gagawin mo na lahat ng kelangan mong gawin, tatapusin mo lahat ng kelangan mong tapusin, papatawarin mo na ang mga may sala sayo, at magiging mapagmahal kang tao. You'll treat everyday as a blessing, and hinding hindi ka na magsasayang ng oras, kasi malapit ka na mawala dito e. Kung pwede nga lang wag nang matulog e. Every second counts.

Iniisip ko nga minsan e, kung naging diyos ako for one day, bibigyan ko ng taning ang mga pulitiko, bibigyan ko silang lahat ng 30 days bago sila mamatay. Ano kayang gagawin nila noh? Importante pa rin kaya sa kanila na mangurakot kahit alam nilang malapit na nilang makaharap si San Pedro? Aagawin pa rin kaya nila ang yaman ng Pilipinas kahit ilang araw nalang sila dito? Grabe na yun a. Siguro naman hindi, siguro instant 1st world country ang Pilipinas!. ahahaha..Taningan na yang mga pulitiko!

Ikaw pre, anung gagawin mo? Malay natin, ikaw na ang sunod kay Michael Jackson. Sino ka sa mundong to? Anung pakealam namin sayo? Kilos na.

2 comments:

Ann Gretchen Veran said...

nakakarelate ako. big deal kasi talaga pag may namatay na celebrity. ang daming biglang nagkkwento ng happy accounts tungkol sa namatay.

bigla akong napapisip sa sarili kong death pag may ganong event. dati nga, ang goal ko sa pagawa ng mabuti eh para magkaron ng magandang eulogy. ngayon syempre mas malalim na don, dahil kay God, through LOJ :)

Anonymous said...

tama. :) araw-araw ko 'to iniisip anu maiiwan ko pag wala na ko. hahaha. ewan ko ba! baka nageemo lang ako. :D