Yes. I am stressed. Really. Nahihirapan na ako sa school. Actually di ko alam kung improvement yun e. Kasi dati hindi ako nahihirapan pero wala akong effort. Ngayon may effort pero mahirap na. At habang ako ay nakatulala at lumilipad ang isip kanina sa klase. Naisip ko, dapat ba talagang nandito ako. I mean dito sa course na to. Hindi ba dapat medyo nasa writing ako o kaya music. Kasi dun ako magaling eh (naks yabang). Tapos, biglang may cool na kwento akong naisip. Eto na.
Are You In The Right Container?
One day, orange juice powder A asked orange juice powder B. "Oy pare, bakit ang bilis mo maubos, mas masarap naman ako sayo kung tutuusin, bakit pag kinukuha nila ako e madalas binabalik nila ako. Tapos minsan nagmumura pa. Minsan nga e tinimpla ako nung matanda tapos binigay lang ako sa iba. May sekreto ka yata tol e." Ngumiti lang si orange powder B (ano kaya itsura niya noh). At si orange juice A naman ay parang naiiyak na (ano din kaya itsura nito). Nagpatuloy si Orange juice A. "Kasi tol naiinggit na ako sayo, lagi nalang akong naiiwan. Minsan nga e hinaluan pa ako ng coffeemate eh!Nakakapikon kaya!". Nakangiti pa rin si Orange juice B (nabaliw na ata). Nang narinig ni Orange juice A ang sagot ni Orange juice B, siya ay lubusang nalungkot.
"Kasi tol, nasa lalagyanan ka ng Nescafe." (nakangiti pa rin yan).
Haaaay..tutulog muna ako ha. Salamat sa pagbabasa!
Wednesday, July 29, 2009
Are you in the right container?
Posted by destinyfails at 3:52 PM
Labels: destinyfails22, filipino, nescafe, orange juice, story, teens
Subscribe to:
Post Comments (Atom)


3 comments:
DUDE PAREHAS TAYO. DAMN NAKAKADEPRESSED KAYA. BUZET TALAGA.
@jaz bakit jaz? Ano problema natin? Ganito ka rin ba medyo naliligaw ng lalagyanan?ehehe.
oo isa akong batang nawawala. haha
Post a Comment